Sikat ang Pinoy
ni wiwen
Sikat ang Pinoy kahit saang larangan
Iba-ibang lahi tayo’y hinangaan
Kasipagan natin bunga ay katanyagan
Anumang balakid ay nalalampasan
Tayo’y Pilipino sa puso at diwa
Ang pagtulong sa kapwa ay halimbawa
Ngayo’y bihira nang makita sa iba
Gayunpaman atin pa ring dinadala
Pilipinas, bansang ating sinilangan
Ilang tao’y nagbigay ng karangalan
Naging angat sila sa ibang dayuhan
Oras na para sila’y pasalamatan
Yan ang Pinoy, Sikat!


