Semana Santa

ATBP March 30, 2012 6:34 am

Ang Semana Santa ay isa sa pinakamahalagang relihiyosong debosyon para sa mga Pilipino. Ang Biyernes na nasasakop ng Semana Santa ay tinatawag nating Mahal na Araw bilang sa paggunita sa pagmamahal sa atin ng Panginoong Hesus, na syang dahilan ng kanyang pagka-pako sa krus.

Nagsisimula ito sa Linggo ng Palaspas at natatapos Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Ilan sa mga gawain tuwing Semana Santa ay ang pag-awit ng pasyon, pagdarasal sa mga estasyon ng krus (Via Crucis) at ang pagbisita sa iba’t-ibang simbahan (Visita Iglesia).

Nakapili na ba kayo ng gagawin para sa darating na kuwaresma?

Tayong mga Pilipino ay may iba’t – ibang paniniwala at pamamaraan kung papano mapatutunayan ang  paniniwalang ito. Maaaring ito ay tama o mali sa panigin o pananaw ng ibang tao at organisasyon.   Ngunit sa huli, hindi na mahalaga kung sino ang may tama o maling paniniwala.

Ang mahalaga ay kung ang mga ginagawa natin ay tunay na nakapagpapalapit sa atin sa ating Panginoon at tumatayong gabay  naaayon na pakikitungo natin sa ating kapwa.

Ang pinaka-malaki at pinaka-mahalagang araw para sa tanang Kristiyano ay ang Linggo ng Muling Pagkabuhay. Ang maling pag-aakala na ang Pasko ng Pagsilang (Christmas) ang syang pinaka-masayang selebrasyon ng mga Kristiyano ay umiiral pa rin sa karamihan.

Kung iisipin natin, tayong mga Kristiyano lamang ang nakakagunita ng ganitong klaseng pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ang Panginoong Hesus lamang ang namatay at muling nabuhay!

Ito ang basehan at buod ng paniniwalang Kristiyano. Nang sabihin ng Panginoong Hesus na ang masisirang simbahan (templo) ay muli niyang itatayo sa loob lamang ng tatlong araw, ang kanyang katawang tao, at hindi ang pisikal na gusali ng templo ang ibig nyang sabihin.

Sa modernong panahon, wala na ang tanyag na templo ng mga Judeo ngunit ang paniniwalang Kristiyano ay narito pa rin at patuloy na gumagabay sa mga naniniwala dito.

Ang mahabang bakasyon ng Semana Santa ay magandang pagkakataon para sa mga pamilya na magsama-sama at sabay-sabay na sariwain ang paghihirap ni Kristo dahil ito naman ay ginawa nya para sa atin.

31 Comments

  • franceska lara

    Ang Semana Santa ay araw ng pagninilay nilay ng buhay ni Hesus. Sa panahon kasi ngayon ay parang nawawala na ang tunay na kahulugan ng araw na ito. Karamihan, pagsapit ng mahal na araw ay puro outing na ang iniisip.Nagiging araw na lamang ito ng kasiyahan

  • Sometimes I don’t reflect enough on Holy Week. Christmas gets my attention, Lent usually gets my attention at the beginning and the parish picnic ALWAYS gets my attention. But Holy Week? I’m more engaged with getting excited for Easter. But yesterday and this week I have had a lot on my mind about Holy Week and a lot on my mind about suffering and what being a Christian in this world means.

  • Wako-wako

    Sa panahon ngayon marami ang nakakalimot sa totoong kahulugan ng Semana Santa. Pero sa aming pamilya, taon taon kapag sumasapit ang Semana Santa, naging kaugalian na namin ang pagsali sa pabasa at pag-aalay lakad bilang pag gunita sa pagsasakripisyo ni Hesus sa atin.

  • badboyz

    sa ngayon karamihan ng mga pilipino nakakalimot na kung ano ba talaga ang semana santa.. sa obserbasyon ko lalo na yung mga bagong sibol para sa kanila ang semana santa ay bakasyon..outing…travel time..pero kung sa tutuusin ang semana santa ay ang pagnilay nilay nating mga kristiyano ng pag kabuhay at pagkamatay ni Hesus…

  • paiperthing

    karamihan ng mga tao ngayon ginagawang bakasyon ang semana santa hindi natin minsan sila masisi kasi walang mga pasok ang lahat ng tao at ginagawang bakasyon ang semana santa. iba nakakalimutan nila na eto ang araw na nagpakahirap ang panginoon para sa ating lahat. ngayon semana santa wag nating kalmutan magnilaynilay at magdasal.

  • Gen Abanilla

    Sincerity to what must be celebrated. That’s it!

  • jeric diaz

    Kung iisipin natin, tayong mga Kristiyano lamang ang nakakagunita ng ganitong klaseng pangyayari sa kasaysayan ng mundo. Ang Panginoong Hesus lamang ang namatay at muling nabuhay!
    lubhang napakayaman ng tradisyon at kultura ng Pilipino…

    Isa din ito sa araw kung saan nagkakasma ang mga mag-anak
    nagpapakita din ito ng pagkakaisa ng mga pilipino… i love the article even im not used to it because i change my religion..

  • -=+ miah +=-

    ang semana santa ay araw ng pag-gunita ng mga sakripsyo ng ating panginoon, pero sa panahon ngayon bakasyon, kasiyahan na lang ang ginagawa ng ilan sa atin… sana kahit isa o dalawang araw man lang ay mag laan ng oras para magunita ang semana santa…

  • Ryan T.

    Nagustuhan ko itong artikulo na ito. Sa ganitong paraan napaparating sa sangkatauhan ang kahulugan ng Semana Santa. Tunay ngang nawawala na sa karamihan ang mga gawain tuwing sasapit ang Semana Santa. Karamihan ay puro nalang kasiyahan at makamundong gawain ang naiisip tuwing sasapit ang sagradong linggo na ito. Ito’y hindi kasiyahan ngunit isang buong linggong pag alaala sa ating Panginoong minsan ng nagbuwis ng buhay para mailigtas tayo sa ating mga kasalanan. Ano ba naman ang isang linggo sa isang taon para pagnilayan at isapuso ang mga gawain sa Semana Santa.

  • "joro"

    Maraming Pilipino ay may kanyakanyang panata tuwing sasapit ang Semana Santa, may nagaalay lakad, may pumupunta sa mga banal na lugar upang doon magdasal… ikaw ano ang panata mo tuwing Semana Santa?

  • larrym

    Hindi lang dapat tuwing Semana Santa natin inaalala ang paghihirap ni Kristo para tubusin tayo sa ating mga kasalanan bagkus dapat itanim natin sa ating mga puso at isipan na dapat araw-araw tayong tumanaw ng utang na loob kay Kriso ating panginoon dahil binigyan Nya tayo ng buhay sa bawat pagsikat ng araw para sa bagong umaga at bagong istorya ng buhay natin dito sa lupa.

  • vampiresucks_me

    (SEMANA SANTA) eto ang araw ng pagninilay nilay at paggunita sa pagsasakripisyo ni hesus para sa atin..naniniwala tau na sya ay namatay at mabubuhay muli..ngunit sa panahon ngayon karamihan sa atin pag sinabing SEMANA SaNTA outing or pag eenjoy lng..pagbabakasyon sa magagandang luagr at iba pa..nakakalimutan natin ang tunay na kahulugan ng semana santa ..

  • Danny Soriano

    Anu ba ang ibigsabihin ng Semana Santa? Anu ba ang ibig sabihin ng Mahal na Araw? Bakit may Mura na Araw Ba? Anu ba talaga ang ibig sabihin ng Visita Iglesia? Saan nangaling? Sinu nag turo? At anu ba talaga ang tunay na kahulugan ng mga ito. Di ko alam! Ang tanging alam ko lng marami sa mga kababayan ko ang ipinag diriwang ang araw na Semana Santa. Ibat ibang dahilan, ibat iba ang ibig sabihin, ibat ibang paniniwala.

  • Michelle Ramos

    Hindi ako masyadong relihiyosa pero madalas akong magsimba at matibay ang paniniwala ko sa diyos. Dati akong Iglesia ni Cristo pero ngayon katoliko na. Hindi naman ako komokontra sa mga deboto pero sa tingin ko hindi naman nadadaan sa mga pasyon o pagpapako nang sarili ang mabuhay nang may pananampalataya basta yun ako. Magdasal nang taimtim at magsimba para magpasalamat ay sapat na sa akin para mapakita ko sa panginoon ang aking paniniwala sa kaniya at pamumuhay na may takot sa kaniya.

  • ang semana santa ay nananatiling tradisyon ng karamihan lalo na ang mga pilipino..may mga taong ipinagpapatuloy ang nakagisnan nila mula sa kanilang angkan na nagpapabasa sa lugar nila or nagpapasyon..itoy panahon ng pagtitika at pagunita sa lahat ng hirap na dinanas ng panginoon..

  • Thanks for reminding everyone kung ano tlaga ang tunay na diwa ng Semana Santa…Para sa aming mag-babarkada tuwing semana santa ay umaakyat kami ng bundok banahaw upang mamanata at hindi para lamang mag bakasyon…at dahil nalalapit na ang mahal na araw ay unti unti na kaming nag titipon at nagpaplano para sa muling pag akyat sa tinatawag na “Banal na Bundok (BANAHAW)”

  • Julia Montez

    Ito ang panahon na dapat ibalik natin lahat sa kanya ang mga biyayang ating natanggap…
    Sana hindi lang sa araw na iton kundi gawin nating daily routine ito.
    Semana Santa ay hindi lang para maghappy-happy, outing ito rin ay panahon ng pagpapasalamat at pagninilay nilay.

  • john ferrer

    ang semana santa ay isang debosyon na hindi na maaring alisin o iwakli sa diwa ng mga pilipino, marahil dahil ito sa malaking populasyon ng mga kristiyano sa bansa. bagamat madalas itong nagiging dahilan ng pagtatalo ito rin ay isang basehan kung bakit nananatiling matatag at nagkakaisa tayong mga pilipino. sang ayon ako sa blos na ito dahil pinaparating nito sa mga tao ang tunay na kahulugan ng relihiyon,pananampalataya, paniniwala at pagkakaisa ng mga bawat PINOY maging ano man ang relihiyon na kinabibilangan nito.

  • holyland27

    Semana Santa “translates” to long weekend right? So please let’s do something worthwhile. Let’s have time for our family … probably going to church and renew our vows to God … let’s love God more than anything else.

  • Juan Dela Cruz

    Para sa akin ang Semana Santa ay isang okasyong dapat ipagdiwang at di ipinagwawalang bahala ng lahat ng Kristyano. Sapagkat ito ay ang araw ng paggunita ng sakripisyo ng pagbubuwis ng buhay at paghihirap ng Panginoong Jesukristo upang tayo ay matubos sa ating mga kasalanan. Siguro nga wala naman humingi na tubusin tayo sa kasalanan pero dapat bilang Kristyano ay tanawin naman nating utang na loob at mag alay ng panalangin at kaunting sakaripisyo.

  • Bangarang

    madami ng tao ang nakakalimot sa kulturang kristyano lalo na yung mga kabataan ngayon na ang tingin lang sa mahal na araw ay outing o bakasyon. Kailangan silang aralan na araw ito ng pagninilay. hindi naman nila kailangang gawin yung mga activities na nauukol sa mahal na araw basta pagnilayan lang kung anu-ano na yung mga nagawang hindi magaganda at ihingi narin ito ng tawad sa diyos. hindi lang sa mahal na araw ginagawa ito kundi dapat maging sa araw-araw din. kailangang maging pamilyar ang bawat isa satin tungkol sa makalumang tradisyon na to lalo na ang mga bata ngayon.

  • Thank you so much regarding giving my family an update on this topic on your site. Please be aware that if a new post becomes available or when any alterations occur about the current publication, I would want to consider reading more and understanding how to make good use of those approaches you share. Thanks for your efforts and consideration of other men and women by making this blog available.

  • Rattling nice design and superb subject matter, hardly anything else we require : D.

  • I think this internet site holds some really fantastic information for everyone :D .

  • Wow, superb blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging look easy. The overall look of your website is excellent, let alone the content!

  • I like this weblog its a master peace ! .

  • Hello there! Would you mind if I share your blog with my zynga group? There’s a lot of folks that I think would really appreciate your content. Please let me know. Thanks

  • But wanna remark on few general things, The website layout is perfect, the content material is real wonderful. “By following the concept of ‘one country, two systems,’ you don’t swallow me up nor I you.” by Deng Xiaoping.

  • nitong nagdaang semana santa, marami nanaman ang nag penitensya…at nging trending din sa online world ang mga larawan ng mga turista sa pampanga na nag pose at nag papicture sa krus…maraming batikos ang inabot ng mga larawang ipinakita pero ano ba tlga ang masama sa ginawa nila?…parehas lng din naman ng pag papapako sa krus ng mga deboto at pag papasakit sa katawan na gumagaya kay Hesus…ang pag kakaalam ko lang kasi ay nag sakripisyo si Hesus at nag papako sa krus upang hindi na natin maranasan ang ganong sitwasyon at paghihirap…pero bakit pa nila ginagawa at inuulit?…

  • This publication has inspired me to carry on writing on my own blog

  • Hiya! Fantastic blog! I happen to be a daily visitor to your site (somewhat more like addict :P ) of this website. Just wanted to say I appreciate your blogs and am looking forward for more!

Leave a reply

required

required

optional